• Tony Miñano Macalisang

Probinsya ng Romblon nakatanggap ng Patient Transport Vehicle mula sa PCSO



ROMBLON, Romblon – Pinagkalooban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lalawigan ng Romblon ng isang bagong sasakyan noong Hulyo 31, 2020.


Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang pagtanggap ng isang sasakyan na Nissan bilang “Patient Transport Vehicle” na donasyon ng PCSO sa Romblon District Hospital (RDH).


“Pormal nating tinanggap noong July 31, 2020 ang isang Nissan na Patient Transport Vehicle na donasyon sa Romblon District Hospital ng Philippine Charity Sweepstakes Office,” ayon kay Governor Riano.

Ipinaabot naman ni Governor Otik ang kanyang taos pusong pasasalamat sa PCSO sa kanilang pagbigay ng naturang sasakyan sa probinsiya na malaking tulong aniya sa mga Romblomanon lalo na sa ngayong panahon na nasa kasagsagan ng pandemya ng coronavirus ang bansa.


“Ang Provincial Government of Romblon ay lubos na nagpapasalamat sa PCSO dahil napakalaking tulong ang magagawa nito para sa ating mga kababayan lalong lalo na sa panahon ng pandemya ng Covid 19,” pahayag ni Governor Riano.


Kanya ring ipinaabot sa lahat na Romblomanon na sana ay manatiling nagkakaisa lalo sa kasalukuyang panahon na malaki ang banta sa sangkatauhan mula sa COVID-19.


“Sa aking mga kababayan, may we always remain united,” aniya pa. (Tony Miñano Macalisang/RomblonSun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.