• Tony Miñano Macalisang

Provincial Board Member ng Romblon natagpuang patay sa kanyang gusali at may tama ng saksak


ODIONGAN, Romblon – Wala nang buhay ng matagpuan ang labi ng biktima sa loob ng tinutuluyan nitong ika-apat na palapag ng Rose Petals Building sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon kaninang 9:30 ng umaga, Hunyo 27, 2020. Kinilala ni PCPT Manuel Fernandez, Jr., Hepe ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang biktima na si Robert Fetalino Maulion, 58 taong gulang, Sanggunian Panlalawigan Member ng District 2, at residente ng Barangay Tabin Dagat, Odiongan, Romblon. Ayon sa ulat ng Odiongan MPS, personal umanong nagtungo sa kanilang estasyon si Angel Forio para ipaalam ang pagkatuklas sa bangkay ng biktima na nakahiga sa sahig sa bandang sala ng kanyang tinutuluyan na nasa ika-apat na palapag na sariling gusali at may mga tama ng saksak at pasa sa katawan. Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas 9:00 ng gabi, Hunyo 26, 2020 sa nasabing gusali kung saan ay kararating lamang umano nito mula sa kabesira ng Romblon. Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naulila ang pamunuan ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Jose Riano ganun din ang Odiongan LGU na kanilang naipost sa FB sa hindi inaasahang pagpanaw ni Board Member Maulion. (AMMacalisang/Romblon Sun Online)




Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.