Rapist, tiklo sa Hot Pursuit Operation ng kapulisan



ROMBLON, Romblon – Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng pang-gagahasa sa isang minor de edad nitong Lunes ng gabi, Hulyo 20, 2020 sa Brgy. Cajimos, Romblon, Romblon.

Kinilala ni PCPT Gemie M. Mallen, ACOP ng Romblon Municipal Police Station (RMPS), ang suspek na si Ivone Steve Meca, 18 taong gulang, residente ng Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.

Ayon sa pulisya, isang John Eric M Ramos ang nagtungo sa himpilan ng Romblon MPS upang ipagbigay alam ang insidente ng pang-gagahasa sa kaniyang pamangkin. Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang himpilan at nahuli ang nasabing suspect.

Ang naaresto ay binasahan ng kanilang karapatan at dinala sa Romblon District Hospital (RDH) upang suriin ang kanyang pisikal na kalagayan.

Kasalukuyang nakakulong sa Romblon MPS ang suspek at nahaharap sa kasong Rape in relation to R.A. 7610. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.