• Tony Miñano Macalisang

ROMELCO BINATIKOS NG MGA CONSUMERS SA SIBUYAN DAHIL SA MADALAS NA BROWNOUT


ISLA NG SIBUYAN, Romblon - Tinadtad ng mga reklamo at batikos mula sa mga Sibuyanons ang serbisyo ng ROMELCO sa isla ng Sibuyan dahil sa madalas umanong pagkakawala ng daloy ng koryente sa kanilang lugar.


Ayon sa kanilang reklamo, lagi umanong nagba-brownout sa kanilang mga barangay na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang mga kasangkapan sa bahay at mga personal na gamit.


Sa post ng isang consyumer ng ROMELCO na si Troyjan Sibor Riano sa FB, ay madalas umanong nagkaba-brownout sa Barangay Sugod hanggang sa Barangay Silum, sa bayan ng Cajidiocan.


Komento naman ni Althea Robea, “Dati pa man ina tuyad na simula ng nag kaigway Romelco… waya mayo nga serbisyo… ang kuyugot kay kung diin gakayaon ihapon didto ma brownout!”


Ang reklamo naman ni Precy Rotoni na, “Damo na appliance nga nasira sa inda patay sindi nga daw dancing light.”


Sa FB post ni Jack Rojas, kanya umanong imumungkahi sa Sangguniang Bayan ng Cajidiocan na maimbestigahan ang dahilan ng malimit na pagkawala ng power ng ROMELCO sa kanilang bayan, at kung hindi maisaayos ang serbisyo ay ipapatigil na lang ang opersyon ng ROMELCO.


“Minumungkahi ko sana sa konseho municipal ng Cajidiocan kung maari ay imbestigahan nila ang sanhi ng madalas na brownout ng ROMELCO at bakit walang umento ang kanilang serbisyo at ipatigil iyong kanilang operasyon kung hindi nila kayang magbigay ng nararapat na serbisyo. Ibigay sa taong bayan ang dahilan.” ayon kay Jack Rojas.


May ilang mga ROMELCO konsyumers na balak umanong magdaos ng rally sa harap ng opisina ng ROMELCO sa Sibuyan upang tanungin kung bakit madalas ang browout at minsan ay paputol-putol ang serbisyo ng koryente hindi lamang sa kanilang bayan, kung hindi sa buong isla ng Sibuyan.


Hinihintay naman nila ang sagot ng pamunuan ng ROMELCO tungkol sa kanilang hinaing. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.