• Romblon Sun

Sama-samang Pagsagawa ng Coastal Clean sa bayan ng Odiongan


ODIONGAN, Romblon – Isang matagumpay na programang "Beach Clean-Up Drive" ang naisagawa nitong umaga ng Oktubre 30, 2020 sa Firmalo Boulevard, Odiongan, Romblon.

Ito ay collaboration project ng Odiongan LGU sa pamumuno ni Mayor Trina Alejandra Fabic, Odiongan Municipal Police Station, Sangguniang Kabataan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Odiongan, Chapter sa tulong ng mga fraternities/sororities at ibang youth organizations katuwang sina Dr. Lolong Firmalo, focal person ng Agriculture at Enviroment ng LGU Odiongan, at Engr. Reden Escarilla ng Local Youth Development Office.


Ang ginanap na sama-samang paglilinis nitong Biyernes ay siyang kick-off ng tuloy-tuloy na paglilinis ng mga kabataan sa nasabing lugar na kung saan ang Firmalo Boulevard ay isa sa mga Tourist Spots ng Bayan ng Odiongan.


Ang bawat grupo ng mga kabataan ay may designated area na kanilang lilinisan araw-araw upang mapanatili ang kalinisan nito. Ayon kay Doc Lolong Firmalo, malaki ang ginagampanan ng mga kabataan sa community development.

Ang youth mobilization na ito ay nabuo dahil na rin sa unang beach clean up noong August 22, 2020 na kung saan halos mga kabataan ang nag-volunteer sa paglilinis kasama ang DENR.


Kasama rin ang law enforcement agencies sa gawaing ito na kung saan maari rin silang maglinis sa nasabing lugar tuwing weekends.

Dumalo rin sa nasabing programa sina Vice Governor Dongdong Ylagan, Vice Mayor Diven  Dimaala at kanilang mga staff, Odiongan LGU, Romblon Sun at mga Barangay Officials

Ipinapaabot naman ang pasasalamat sa mga sumusunod na grupo na tumugon sa aktibidad na ito: Magic Five, Beta Sigma Fraternity, Romblon Ultimate Frisbee Community, Odiongan Volleyball Club, Visayas Mindanao Student Brotherhood, Shrine of St. Vincent Ferrer Parish Youth Ministry, NROTC ng RSU, 410 CDC Phillipine Army, Sigma Lambda Phi, Odiongan District Jail, Odiongan Fire Station, Alpha Phi Omega, Kanto Boys, Sigma Alpha Epsilon, Alpha Kappa Rho, Koinonia/PFAS ng Brgy. Pato-o, Sikaran 420, YIFI, SKR, Romblon Provincial Crime Laboratory Office, Kauturan, Romblon Provincial Mobile Force Company, Banayad Lifestyle, Scout Royale Brotherhood at iba pang mga volunteers.



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.