• Tony Miñano Macalisang

Sampung kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ang nadagdag ngayong araw, Nobyembre 26, sa buong lalawigan


ROMBLON, Romblon – Sa kasalukuyan ay mayroong kabuuang bilang na 28 na kaso ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong probinsya ng Romblon ito ay matapos na madagdagan ng sampung kaso ng nagpositibo ngayong araw, Nobyember 26, 2020.


Base sa ulat ng COVID-19 Provincial Daily Case Bulletin ang sampung kasong nadagdag ay mula sa bayan ng Romblon na nagtala ng pitong kaso, apat sa bayan ng San Fernando at isa naman sa bayan ng Alcantara.


Sa mga nadagdag na bagong kaso sa Romblon ang pito (7) ay frontliner sa Romblon District Hospital (RDH) na limang babae na nasa edad na 37, 60, 56, 60 at 57 at dalawang lalaki na edad 36 at 29.


Ang lahat na nagpositibo sa COVID-19 ay nakaisolate na sa kanilang quarantine facility.


Patuloy umano ang ginagawang contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga nagpositibo.


May bilang naman na 73 ang hinihintay pa na resulta sa ginawang RT-PCR Test sa mga na close contact ng mga pasyente.


Sa tala ng COVID-19 PDCB, sa kabuuang 28 na kaso ng positibo sa COVID-19, nasa 24 ang lokal na transmisyon at 4 naman ang imported. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.