• Tony Miñano Macalisang

San Jose Tumanggap Ng Sea Ambulance Mula Sa Provincial Government ng Romblon


SAN JOSE, Romblon – Kabilang ang bayan ng San Jose na pinagkalooban ng Provincial Government ng Romblon ng multi purpose na motorboat na ibinigay nitong Biyernes, Hulyo 17, 2020.


Personal na naiturnover ni Governor Jose Riano ang Rescue boat/Sea Ambulance sa bayan ng San Jose na tinanggap ni Mayor Ronnie Samson.


Ayon kay Governor Riano ang kanilang pagpunta ni Congressman Budoy Madrona sa San Jose ay ang malaman ang kanilang kalagayan sa gitna ng pandemic.


“Kasama ang ating mahal na Congressman Budoy Madrona at ilang mga kasama natin sa Capitol ay dinalaw po natin ang mga kababayan natin sa San Jose upang personal na maiturn-over ang Rescue boat/ Sea Ambulance at upang malaman din natin ang kanilang kalagayan sa gitna ng pandemic,” ayon kay Governor Riano.


Pinasalamatan din ni Governor Riano ang pamunuan ng San Jose na sumalubong sa kanila na sina Mayor Samson at ang mga kasamahan nitong Konsehal, mga opisyal ng Barangay, at hospital staff sa kanilang suporta at sakripisyo sa pagtulong-tulong sa pangangalaga ng probinsya.

“Sa lahat po na pamunuan ng San Jose led by Mayor Samson, lahat ng opisyales, Barangay Officials at sa mga hospital staffs, maraming salamat sa inyong suporta at sakripisyo at tulong tulong nating pangalagaan ang ating probinsya, Gob bless you all,” ang pahayag ni Governor Riano. ( Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.