• Tony Miñano Macalisang

Santa Maria, Isinailalim Sa Total Lockdown Ng LGU, Pagtanggap Ng Mga LSIs at ROPs Suspendido Rin


SANTA MARIA, Romblon – Sa ipinalabas na Executive Order No. 029-2020 ni Mayor Lorilie M. Fabon ng Santa Maria, Romblon kanyang inutos na isailalim sa Total Lockdown ang buong munisipyo ng Santa Maria at pagsuspendi sa pagtanggap ng mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) at Locally Stranded Individuals (LSIs) simula 6:00 ng umaga ng Agosto 31, 2020 hanggang sa susunod na pahayag.


Ang nasabing EO ni Mayor Fabon ay kaugnay sa dalawang Locally Stranded Individual (SLIs) na isang babae na 46 taong gulang at isang anim (6) na buwan na lalaking sanggol, at parehong residente ng Barangay Paroyhog, Santa Maria, Romblon na kapwa nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyan nasa isolation facility ng nasabing bayan.


Kasama sa mga lockdown guidelines ang pagsagawa ng bagong paraan na ipapatupad para mapigilan ang pagkalat at pagkahawa ng COVID-19 sa loob at labas ng munisipyo, mahigpit ring ipapatupad ang pagsusuot ng face masks, social distancing, at pagsunod sa wastong paraan ng kalinisan, ganun din ang ipinapatupad na protocols ng DOH katulad ng contact tracing, Swab Testing, (RT-PCR) at iba pa na kailangan na isagawa kaagad.


Pansamantala munang ipapahinto ang mga paggawa o construction ng mga proyekto sa buong bayan. Kasama rin na isuspendi ang mga aktibidad sa mga simbahan/sambahan.


Ang paglabas ng mga residente sa barangay ay limitado lamang sa limang katao sa bawat barangay. Ipapairal rin ang curfew mula 8:00 ng hapon hanggang 5:00 ng umaga.


Ang MLGU at BLGU ay inatasan na siyang magbigay tulong sa mga apektadong residente ng munisipyo. Ang lahat na Punong Barangays ay kailangan na magpatupad at magbantay sa kani-kanilang Quarantine Checkpoints.


Inatasan rin ang mga tauhan ng PNP na magsagawa ng quarantine checkpoint at mangasiwa sa quarantine pass protocols sa loob ng 24 oras sa hangganan ng Barangay Paroyhog, Santa Maria, Romblon.


Base pa sa inilabas na EO ni Mayor Fabon, ang sinumang lalabag sa nasabing EO ay may kaakibat na kaukulang parusa o multa. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.