• Romblon Sun

Security Guard na may kasong Attempted Rape hinuli ng pulisya sa Maynila


MANILA – Isang lalaking security guard na may mandamyento de aresto ang dinakip ng mga awtoridad nitong Pebrero 12, 2021 sa kanyang tinutuluyan sa Osmeṅa St., Barangay 117, Tondo, Manila.


Kinilala ng pulisya ang naturang suspek na si Melvin Moreno Malacad, 27, binata, security guard residente ng Danao Sur, Santa Fe, Romblon at pansamantalang nakatira sa Osmena St, Barangay 117, Tondo, Manila.


Si Malacad ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng RIU-NCR (lead unit) QCDIT, PS-I MPS at Santa Fe Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Edwin B. Buffe, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsa na Setyembre 25, 2020 dahil sa kaso na Attempted Rape sa ilalim ng Criminal Case No. OD-2621 at may rekomendang piyansa ang korte na halagang One Hundred Twenty Thousand Pesos (P120,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng PS-1 MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.