• Romblon Sun

Security Guard na MWP ng Looc MPS, timbog sa Makati City


LOOC, Romblon – Arestado habang naka duty ang isang security guard na siyam na taong nang pinaghahanap ng batas nitong umaga ng Pebrero 10, 2021 sa lobby ng Eton Residences Greenbelt, Makati City.


Ang suspek na ika-7 sa Most Wanted Person ng Looc Municipal Police Station (LMPS) ay kinilalang si Renio Gregorio Condes, a.k.a. Koro/Rene Gregorio Condes at a.k.a Ereneo G. Condes, 42, may kinakasama, security guard at stay-in sa Eton Residences, Greenbelt, Makati City.


Si Condes ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng AKG SOU (Lead Unit) PNP Sosia, MFC, RMFB at ng Looc Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presiding Judge Jose M. Madrid, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 82, Odiongan, Romblon na may petsa na Mayo 2, 2012 dahil sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. OD-2093 at may rekomendang piyansa na halagang Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP AKG, Camp Crame, Quezon City, Custodial Facility at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png