• Tony Miñano Macalisang

Senior Citizen na Wanted sa Kabesira ng Romblon Hinuli sa Odiongan


ODIONGAN, Romblon – Isang Senior Citizen na pinaghahanap ng batas ang inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Romblon Municipal Police Station at Odiongan Municipal Police Station noong 3:45 ng hapon ng Agosto 10, 2020 sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.


Kinilala ang dinakip na si Nelson Mijares Ferriol, 72 taong gulang, may-asawa, negosyante at nakatira sa Barangay II-Poblacion, Romblon, Romblon.


Si Ferriol ay hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon Romblon noong Agosto 5, 2020 dahil sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 at naka docket sa ilalim ng Criminal Case No. FC-62-H-20 at may rekomendang piyansa na halagang One Hundred Eight Thousand Pesos (P108,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Odiongan MPS at ihaharap sa nakakasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)   

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.