• Romblon Sun

Senior citizen natagpuang nakabitin sa kisame ng bahay sa Magdiwang, Romblon


MAGDIWANG, Romblon – Natagpuang nakabitin sa kisame at wala ng buhay ang isang senior citizen nitong 12:00 ng hapon ng Pebrero 9, 2021 sa Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon.


Ang biktima ay kinilala ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) na si Narcito, 68, balo, walang trabaho at residente ng Barangay Dulangan, Magdiwang, Romblon.


Sa imbestigasyon ng Magdiwang MPS, napag-alaman na napansin umano ng mga kaanak ng biktima na hindi ito nakikita sa paligid ng kanyang bahay kaya’t napagpasyahan ng kanyang anak na lalaki na pumasok sa bahay ay tingnan ang kanyang ama ngunit nakita na lang nito ang nakabitin na katawan ng biktima sa kisame ng bahay at wala nang buhay.


Agad itong humingi ng tulong sa mga kamag-anak upang maibaba ang katawan ng biktima na nagpakamatay gamit ang isang damit na long sleeve.


Walang namang makitang galos o anumang sugat sa katawan ang biktima at maging ng bakas na nagkagulo sa paligid.


Pinayuhan ng Magdiwang MPS ang pamilya ng biktima na dalhin ang labi ng matanda sa Rural Health Unit ng Magdiwang upang isailalim sa pagsusuri at maimbestigahan ang pagkamatay nito.


Ayon sa ulat, mag-isang nakatira sa kanyang bahay ang naturang senior citizen at umano ay nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak dakong 8:00 ng gabi ng Pebrero 8, 2021.


Kumbinsido naman umano ang mga kaanak ng biktima na nagpatiwakal ito dahil lagi umano nitong sinasabi na magpapakamatay pag ang matanda ay nakainom ng alak.


Ang nasabing insidente ay pinagbigay alam ng anak na babae ng biktima sa Magdiwang MPS noong 2:00 ng hapon ng Pebrero 9, 2021 sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone. (Romblon Sun Online).



ADVERTISE WITH US!.png