• Tony Miñano Macalisang

Senior citizen sa Corcuera dinakip sa kasong Frustrated Murder at paglabag sa Gun Ban


CORCUERA, Romblon – Isang senior citizen na dating sundalo ang inaresto ng kapulisan nitong 6:00 ng hapon ng Nobyembre 29, 2020 sa Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon.


Kinilala ang hinuli na si Blumentrit Falceso Fabriquel, 70 taong gulang, may-asawa, walang trabaho, dating AFP personnel (AWOL) at residente ng Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon.


Si Fabriquel ay dinakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station (CMPS), PIU/RPPO at Bauang Municipal Police Station, La Union PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Fortunato V. Panganiban, Executive Judge ng 1st Judicial Region, Regional Trial Court, Bauang, La Union, Branch 33 na may petsang Oktubre 6, 1992 dahil sa kasong Frustrated Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 1396-BG at Violation of COMELEC Resolution number 2323 (Gun Ban) sa ilalim ng Criminal Case No. 1401-BG.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Corcuera MPS ang nasabing senior citizen para sa dokumentasyon at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disosisyon. (Tony M. Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.