• Tony Miñano Macalisang

Senior citizen sa kabesira na may kasong 3 counts ng rape, dinakip


ROMBLON, Romblon – Arestado ang isang senior citizen na may kasong rape kaninang 9:50 ng umaga, Oktubre 27, 2020 sa Barangay IV-Poblacion, Romblon, Romblon.


Ang hinuling suspek ay kinilala ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) na si Reynaldo Diamse Manalon, 63 taong gulang, balo, walang trabaho at nakatira sa Barangay IV-Poblacion, Romblon, Romblon.


Si Manalon ay hinuli ng mga tauhan ng Romblon MPS sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsang Oktubre 21, 2020 sa kasong three counts of rape (Art.266-A, par.2 of RPC in Relation to R.A, 7610) sa ilalim ng Criminal Case No. FC-74-J-20, Criminal Case No. FC-75-J—20 at Criminal Case No. FC-76-J-20 at may rekomendang piyansa na halagang Two Hundred Thousand pesos (P200,000.00) bawat kaso.


Ang inarestong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Romblon MPS para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.