• Tony Miñano Macalisang

SK Kagawad, timbog sa illegal Drug Operation


ODIONGAN, Romblon – Dinakip ng mga kapulisan ang isang SK Kagawad sa isinagawang buy-bust operation nitong 1:15 ng hapon, Enero 21, 2021 sa Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.


Kinilala ni Police Captain Manuel F. Fernandez, Jr., Hepe ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) ang suspek na si Johnder Panoy Montesa, 23 taong gulang, binata, SK Kagawad, HVI, at residente ng Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.


Sa ginawang imbestigasyon ng Odiongan MPS, napag-alaman na sa nasabing petsa, oras at lugar ang pinagsanib na operatiba ng Odiongan MPS, PDEA-Romblon PO, PDEU/PIU at RDEU/RSCG sa koordinasyon ng PDEA MIMAROPA ay nagsagawa ng anti-illegal drug operations (buy-bust) na nagresulta sa pagkadakip sa nasabing suspek matapos na makabili ang isang nagpanggap na “poseur-buyer” na pulis ng isang “heat sealed plastic sachet” na naglalaman ng pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana kapalit ng halagang dalawang daang piso (P200.00).


Ang mga umarestong awtoridad ay nakakumpiska rin sa suspek ng isang heat sealed plastic sachet ng naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana, isang cp na Xiaomi, isang kaha ng sigarilyo na walang laman at dalawang tig-iisang daan piso na perang papel.


Ang pag-imbentaryo ay ginawa sa lugar ng operation sa harap ng suspek na sinaksihan ng mga representante mula sa Barangay Ligaya, NPS at media.


Ang mga nakuhang ilegal na droga at ang suspek ay dadalhin sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para isailalim sa eksaminasyon.


Itinanggi naman ng suspek na kanya ang nasabing ilegal na droga.


Kasalukuyan nasa kustodiya ng Odiongan MPS ang nasabing suspek para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.


Nahaharap ang naturang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020) na inihahanda ng Odiongan MPS na isampa sa Prosecutor's Office sa Odiongan, Romblon. (Romblon Sun Online)

ADVERTISE WITH US!.png