• Tony Miñano Macalisang

SLI NA NAGPOSITIBO SA RAPID TEST SA ODIONGAN NAG NEGATIBO SA RT-PCR TEST


ODIONGAN, Romblon – MASAYANG ibinalita ni Mayor Trina Firmalo – Fabic na negatibo ang naging resulta ng confirmatory swab test o Real-Time Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na isinagawa sa isang locally stranded individual (LSI) na sinabing nagpositibo sa naunang rapid testing nitong nakalipas na linggo.


“Negatibo ang naging resulta ng confirmatory swab test na isinagawa sa isang locally stranded individual na nagpositibo sa naunang rapid test noong Hunyo 1,” ayon kay Mayor Firmalo-Fabic.


Matatandaan na isa sa mga bagong dating na Locally Stranded Individual (LSI) na taga Odiongan na umuwi ng lalawigan noong isang linggo sakay ng barkong Montenegro at sinundo sa pier ng Odiongan ay nagpositibo sa isinagawang Rapid Test kung saan ay agad itong inihiwalay sa ibang SLI at dinala sa isolation facility sa Municipal Evacuation Center sa Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.


Malaki naman ang pasalamat ng pamilya ng nasabing LSI sa magandang balita dahil negatibo ang resulta ng RT-PCR test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila. Pareho rin ang pakiramdam ng nakasalamuha ng LSI at nakasamang naquarantine.


Gayun paman, pinaalalahanan pa rin ni Mayor Fabic ang lahat na huwag maging kampante dahil hindi pa natatapos ang epedemya at patuloy pang nananalasa ang coronavirus sa buong kapuluan ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).


“Huwag po tayong maging kampante dahil ayon sa mga inilalabas na numero ng Department of Health (DOH) ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa,” ayon pa kay Mayor Trina.

Samantala, ayon sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), extended ang Modified General Community Quarantine sa bayan ng Odiongan, Romblon hanggang sa Hunyo 30, 2020. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.