• Tony Miñano Macalisang

STL Balik Operasyon sa Probinsya ng Romblon


ODIONGAN, Romblon – Muling nagbabalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa bayan ng Odiongan, Romblon simula ngayong araw ng Oktubre 1, 2020.


Ayon kay Police Captain Manuel F. Fernandez, Jr., Hepe ng Odiongan Municipal Station (OMPS) ang kanilang mga tauhan sa Odiongan MPS ay nagbigay ng kaukulang sekuridad at nagsagawa ng koordinasyon sa Pines Estate and Gaming Corporation, ang awtorisadong ahente na nagpapatakbo sa nasabing STL sa probinsya ng Romblon.


Ang muling pagbubukas ng operasyon ng STL ay base sa sulat mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office Operations na may lagda ni Royina M. Garma, Vice Chairperson at General Manager ng PCSO.


Ang pagpahintulot sa operasyon ng STL ay pinapatupad lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Paalaala ng kinaukulan sa pagbabalik ng operasyon ng STL na kinakailangan pa ring sundin ang mga pinapatupad na minimum health and safety protocol kagaya ng pagsusuot ng face mask/face shield at pagsagawa ng social distancing.


Matatandaan na ang operasyon ng STL ay sinuspende noong Marso dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.