TAKAW DISGRASYA SA PANAHON NG RUSH HOURS


Ang buhay ng tao ay parang nagmamadali palagi. Gusto nating kumain ng mabilisan kaya nauso ang mga fast food center sa mga food court at turo-turo. Ibig sabihin pagpunta mo sa isang kainan ay hindi na magluluto at ang gagawin mo ay magtuturo na lang ng mga gustong kainin, kanin, ulam at gulay. Pagnaihatid na sa iyong mesa ang pagkain, paspas ang subo at maya-maya ay tapos na. Kaya nauso ngayong ang instant coffee, instant salabat. Nagmamadali kaya maglalaga na lang ng noodles o canton at 3-in-1 coffee. Mabilis.


Maraming emergency sa buhay ang tao dahil gustong tapusin kaagad ang ginagawa lalo na kung mapagkakaperahan ito. Sa pagbibiyahe ay naiinip tayo kapag mabagal ang sinasakyang jeep, bus, motorsiklo o kotse. Nagrereklamo tayo kapag matagal na nagbibiyahe ang isang barko na ating kinalululanan. Yong mga bangka o pump boat na mabagal ay yamot na yamot tayo dahil mahuhuli tayo sa mga appointment.


Sa management parlance ay mayroon tayong tinatawag na TIME MANAGEMENT. Kung paano natin pinangangasiwaan ang paggamit ng ating oras. May nabili akong libro na ang pamagat ay MANAGE YOUR TIME, MANAGE YOUR WORK, MANAGE YOUR SELF written by American authors; Merrill E. Douglass and Donna N. Douglass at sinasabi dito, na ang pangkaraniwang tao ay kayang pangasiwaan ang kanyang oras upang mapakinabangan ng husto. Saan ba napupunta ang iyong oras? Sinasabi ng mga may akda na ang 8 oras sa gabi ay para sa pagtulog, walong oras para sa trabaho, 2 oras pa pagbiyahe papunt aat pauwi mula sa trabaho, 1 oras para sa paglilinis at paghahanda ng personal at tatlong oras sa mga pagkain, almusal merienda tanghalian at hapunan. Pag iyong sinumada, may bakante kang 2 oras pa. Saan ba ito ginagamit?


Sa panahon ng namayapang naging mayor, gobernador at congressman Ninong Totoy Perpetuo B. Ylagan na ama ng kasalukuyang Bise Gobernador Felix Dongdong Ylagan ay nagkaroon kami ng isang paseminar na isinakatuparan sa buwan ng Serbis o Sibil (Civil Service Month) Employees Effectiveness ang title ng seminar. Pinalista sa amin ang mga activites sa loob ng opisina sa buong 8 oras na official office time. Halos nahirapan akong kumplituhin yung mga inililistang gawain sa buong walong oras. Na maraming bakanteng oras pala ako na walang ginagawa sa opisina. (Totoo naman talaga sa tanggapan ng gobyerno) Tapos sabihin nila na busy sila at hindi maasikaso ang kliyente na galing pa ng bukid?


“Hinugay kamo baga.” Kayong mga empleyado ng gobiyerno, pag sinabi ninyong pasensiya at di po kayo namin maasikaso dahil busy. Hipokrito kayo. Dapat sa inyo magresign para makahanap ng mas masipag at magaling. Marami diyan sa munisipyo, sa kapitolyo. Aywan ko kung nariyan pa sila. “Ato-ato yang kali.”


Kung ganoon na may oras pa pala tayong libre sa bawat araw paggising sa umaga ay bakit sinasabi ng iba na wala silang oras o kulang ang kanilang oras.


Dahil sa gawain at paniwalang kulang ang oras kaya palaging nagmamadali ang tao. Makikita mo ito sa galaw ng mga tao araw-araw partikular sa panahon na may opisina at pasok sa trabaho o eskuwilahan. Kung walang pandemya palaging hitik na hitik sa mga sasakyan ang makikitid na kalsada dahilan sa patuloy na pagdami ng sasakyan. Sa isang banda ay may mabuti ding epekto ang covid. Dumalang ng kaunti ang mga nagbibiyahing manggagawa, estudyante at turista. Hindi masyadong masikip ang kalsada pero exemption sa Metro Manila na hindi nagbabago.


Ang pinakritikal na oras sa kalye ay ang 30 minuto bago mag alas otso sa umaga (7:30-8:00AM) Ito yong oras na unahan sa kalsada at nagmamadali na baka mahuli sa opisina. Tapos magmake-up pa, maglipstick pa. (Sa mga pawn shops ay may polisiya sila na 30 minutes before 8:00 AM official time ay dapat nasa opisina ka na para makapaghanda ng personal bago humarap sa kliyente ayon sa kanilang blue book) Sa oras na ito ay marami ang nakikipag-unahan sa iyo. Marami dyan na mga motorsiklo at tribike ang sumisingit kahit masikip ang lugar sa dahilang nagmamadali at late na sa opisina. Marami diyang driver na kahit masikip ay pilit kang gigitgitin para makauna. Marami kasi sa mga driver lalo na nag sisingle motorcycle na wala namang training talaga at natuto lang sa turo ng tatay, ng kapatid, kabarkada at kumpare na wala din namang drivers license at tinuruan din lang ng mga barkada. Kaya wala silang alam sa road courtesy and discipline kaya takaw aksidente ang mga ito. Maraming tao ang sabay-sabay na nagbibiyahe at parehong nagmamadali sa pagitan ng 30 minutong ito bago mag alas otso na halos hiriting todo ang silenyador ng motorsiklo hanggang kaya lalo na sa mga tuwid na highway. Humahaging sa kapuwa sasakyan at nakakatakot.


Kahit anong ingat mong magmaneho at tinawag kang defensive driving maaaksidente ka pa din dahil sa mga barumbadong nagmamaneho. Tandaan natin kapag ang isang driver ay reckless “HARAS-HARAS” magduda ka na walang lisensya ito. Kaya dapat ang sekrito dito ay todo ingat tayo para iwas disgrasya.


Palagi kong naoobserbahan na tuwing may check point diyan sa Tulay at diyan sa Poctoy ay dumadalang ang tumatakbong single motor cycle. Dahil marami sa kanila ay hindi makalagpas sa check point at naghihintay na umalis ang mga Highway Patrol. Marami kasi sa mga ito ay walang lisensiya at kung mayroon man ay expired, walang rehistro o expired ang rehistro ng motorsiklo, walang dalang helmet ang iba.


Kaya napapanahon ang pinag-usapan namin ng butihing Vice Mayor Devin Dimaala na dapat dito sa Odiongan ay magkaroon nang driving school para maging highly professional ang ating mga drivers. Traffic violators will be penalized with two days training on driving and traffic rules and regulations, road courtesy and discipline. Sa ganitong sestima mababawasan ang mga aksidente sa mga kalsada.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.