• Tony Miñano Macalisang

Tatlong lalaki na may WOA dahil sa paglabag sa RA 8048, hinuli ng pulisya sa Sta. Maria, Romblon


SANTA MARIA, Romblon – Magkasunod na inaresto ang tatlong lalaki na may warrant of arrest sa Barangay Bonga at Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon kaninang 6:00 at 6: 20 ng hapon, Enero 12, 2021.


Ang mga hinuli ay nakilalang sina Berdan Mortos Rosa, 33 taong gulang, may-asawa, helper at nakatira sa Barangay Bonga, Santa Maria, Romblon, Aser Tadia Rosa, 39 taong gulang, may-asawa, chainsaw operator at Potenciano Magada, Lopez, 47 taong gulang, walang asawa, helper at kapwa residente ng Barangay Concepcion Sur, Santa Maria, Romblon.


Ang tatlo ay dinakip ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station (SMMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Donna B. Pascual, Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 81, Romblon, Romblon na may petsang Disyembre 17, 2020 dahil sa kasong paglabag sa Section 4 ng RA 8048, sa ilalim ng Criminal Case No. 4036 at may rekomendang piyansa na halagang P36,000.00 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing mga inarestong lalaki ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Santa Maria MPS para sa kaukulang dokumentasyon. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.