• Tony Miñano Macalisang

Tatlong nagpositibo sa COVID-19 sa kabesira ang naitala ngayong araw


ROMBLON, Romblon – Nadagdagan ng tatlong kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Romblon, Romblon ang naitala ngayong araw, Disyembre 3, 2020.


Ayon sa Rural Health Unit ng Romblon, ang tatlong ay kinabibilangan ng dalang babae na may edad na 46 at 41 at residente ng Barangay Agnaga, Romblon at Barangay 2, Poblacion, Romblon at isang lalaki na 25 taong gulang at nakatira sa Barangay 4, Poblacion, Romblon, Romblon at mga naka isolate na simula noong sila ay kinunan ng specimen.


Ang tatlong nagpositibo sa COVID-19 ay kabilang sa 16 na resulta ng PT PCR test na ibinaba ngayong araw.


Samantala nasa apat naman ang nakarekober na, ayon sa RHU Romblon.


"Ngayong araw ay may apat (4) tayong recoveries at kasalukuyan ay nasa Step Down Facility na natin," pahayag ng RHU-Romblon sa kanilang fb page.


Sa kasalukuyan ay mayroong 30 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Romblon, 24 ay nasa Romblon, Romblon, lima sa bayan ng San Fernando at isa sa bayan ng Alcantara.


Laging paalaala ng kinaukulan na sumunod sa ipinapatupad na protocol ng DOH, katulad ng pagsuot ng face mask, face shield, isang metrong distansya sa katabi, at palaging maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol upang makaiwas sa coronavirus. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.