• Romblon Sun

Tatlong pamilya inilikas dahil sa baha sa Magdiwang, Romblon


MAGDIWANG, Romblon – Nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Magdiwang LGU kasama ang mga kapulisan ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) sa mga pamilya na apektado ng pagtaas ng baha nitong umaga ng Pebrero 10, 2021, sa Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon.


Ang mga inilikas na pamilya ay kinilalang sina Ginang Margie Rosas na may apat na miyembro ng pamilya, Ginang Manilyn Gutirrez at Lyka Joy Rosas, pawang mga taga Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon.


Pinangunahan ni Ginoong Roland Paniagua ng MDRRMO, katuwang ang mga tauhan ng Magdiwang MPS na pinamunuan ni PSMS Rey R. Hornopia, Chief Operation PNCO ang pagsagawa ng naturang Disaster Rescue Operation sa nasabing mga pamilya na dinala sa itinalagang evacuation Center na isang ligtas na lugar sa Barangay Poblacion, Magdiwang, Romblon.


Binaha ang nasabing bayan dahil sa matinding buhos ng ulan na umapaw ang tubig sa ilog at halos pumantay na sa tulay sa Barangay Tampayan, Magdiwang.


Ayon sa mga residente ng nasabing barangay, ngayon lang umano nila naranasan ang ganitong pagbaha sa kanilang barangay. Isinisi rin nila ang pagkwa-quarry o pagkukuha ng buhangin at mga bato sa nasabing ilog ng Barangay Tampayan na umano ay nagsisilbing proteksyon laban sa baha sa kanilang lugar. (Romblon Sun Online)


Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.