• Tony Miñano Macalisang

TITSER SA CORCUERA, (ROMBLON) HULI SA BUY-BUST, KALABOSO




CORCUERA, Romblon – Isang guro ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at kapulisan ng Corcuera dakong 11:05 ng umaga ng Setyembre 6, 2020 sa Sitio Kankungan, Barangay Guintiguiban, Corcuera, Romblon, Romblon.


Kinilala ng kapulisan ng suspek na si Kenneth Ralph Falcunaya Fallaria, aka Kenjie, 35 taong gulang, guro at residente ng Barangay San Roque, Corcuera, Romblon.


Sa ulat ng pulisya, isang pinagsamang operasyon ang ikinasa ng Romblon PDEU, Corcuera Municipal Police Station (CMPS), at PDEA-Romblon na nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkadakip sa suspek na kinilalang isang “high value target”.


Isang nagpanggap na buyer ng illegal na droga ang nakabili ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinapaniwalaang shabu sa suspek gamit ang tunay na perang papel na halagang isang libong piso.


Pagkatapos ng kanilang transaksyon ay doon na sumenyas ang undercover agent sa mga operatiba para hulihin ang suspek.


Sa ginawang body search sa suspek narekober sa posisyon nito ang isa pang plastic sachet na naglalaman ng pinapaniwalang shabu na tinatantiya na nagkakahalaga ng P15,000.00, mga pera sa iba’t-ibang denominasyon, lighter, improvised drug paraphernalia, coin purse, motorsiklong Honda wave 125.


Ang pagmarka at imbentaryo ng mga nakumpiska sa suspek ay sinaksihan nina Barangay Kagawad Elgen F. Famodulan, at Kagawad John F. Falcunaya ng nasabing barangay.


Dinala ang suspek sa Corcuera MPS para sa kaukulang disposisyon.


Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng R.A. 9165 ang inihahandang isampa ng Corcuera MPS sa Provincial Prosecutor’s Office sa Romblon, Romblon laban sa suspek. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.