• Tony Miñano Macalisang

TODA NA WALANG STICKER TITIKETAN – VICE MAYOR DIMAALA


ODIONGAN, Romblon – Nanawagan si Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng Odiongan na maglagay ng sticker sa kanilang pinapasadang tricyle bilang patunay na ito ay may prangkisa.

“Kasabay ng pagpapakulay natin ng asul sa mga tricyle, ang sticker ay isang palatandaan na kayo ay may prangkisa,” ayon kay Vice Mayor Dimaala.

Aniya pa na mayrong nagsasamantala na kinukulayan ng kulay blue ang kanilang tricycle upang makapamasada kahit walang prangkisa. At para malaman na hindi kulorum ang tricycle dapat may nakadikit na sticker sa harapan para madaling makilala.

“Merong mga nagpapakulay ng asul sa kanilang tricycle para lang makapasada, ngunit walang sticker, sila ay kulorum,” aniya pa ni Vice Mayor Diven.

Ayon pa kay DImaala ang mga walang sticker na tricycle at namamasada ay sisitahin at titiketan bilang paglabag sa Municipal Ordinance ng Odiongan No. 2017-19.

“Sisitahin at titiketan po ng ating mga OTRU ang mga walang sticker, pag wala kang sticker, ikaw ay kulorum. Ito po ay kasama sa provision sa violations ng One Town One TODA Ordinance”, ang pahayag ni Vice Mayor Dimaala.


Sa kaugnay na balita, ipinaalala ni Vice Mayor Diven na hindi pinapayagan ang isang tricyle na magbiyahe kapag nasa Coding maliban lamang kung ito ay emergency.


Hindi rin pwedeng lagyan ng “For Family Use Only or Private Use Only ang tricycle para lang makabiyahe.


Ayon pa kay Vice Mayor Diven, ginawa umano ang CODING Ordinance para mabawasan ang tricycle sa kalsada at maibsan ang traffic at gumanda ang kita ng mga lehitimong mga miyembro ng TODA na siyang nakatoka na namamasada sa Coding ng kanilang plaka.


May kaakibat umanong multa sa lalabag sa nasabing Ordinansa ayon pa kay Vice Mayor Dimaala. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.