Sabong hindi parin papayagan sa lugar ng GCQ at MGCQ – DILG



MANILA – Hindi pa rin papayagan ang “sabong” kahit ang lugar ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano nitong Biyernes, Hunyo 5, 2020.


“Bagamat mas maluwag po ang ating mga kautusan, bawal pa rin ang sabong saan mang bahagi ng mga lugar na nasa ilalim ng GCQ or MGCQ as we continue to stop the spread of Covid-19 in the country,” ayon kay Sec. Ano.


“Ang GCQ po ay hindi para magawa po natin ang mga gusto nating gawin tulad ng pagsasabong. Ito po ay para gumulong ulit ang ekonomiya. GCQ or MGCQ does not mean we are free of virus so we free of the virus, so we must always be vigilant,” dagdag pa ni Ano.


Winarningan din ni Ano ang mga establisemento na kabilang sa mga industriya o sektor na di pa binigyan ng go signal na mag operate ay maaring kasuhan kung lalabagin ang Bayanihan law.


“Huwag na pong matigas ang ulo, tayo po ay nasa krisis, sumunod po tayo sa batas,” ayon pa sa kanya.


Isinagawa ni DILG Sec Ano ang nasabing pahayag matapos makatanggap ng impormasyon na pinapahintulutan ng ilang LGU ang pag-operate ng ilang sabungan sa kani-kanilang lugar.


Ayon pa kay Ano, hindi nag-isyu ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ng resolution na pinapahintulutan ang pag-operate ng mga sabungan. 

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.