• Tony Miñano Macalisang

Top 10 na Most Wanted Person ng Provincial Level nasakote sa Mindoro


ROMBLON, Romblon – Dinakma ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) ang tinaguriang Top 10 most wanted person sa provincial level nitong Oktubre 28, 2020 sa Barangay Danggay, Roxas, Oriental Mindoro.


Napag-alaman ang suspek na si Ben Jhon Abinio Solo, 37 taong gulang, may-asawa, mekaniko at residente ng Barangay Panikihan, Pola, Oriental Mindoro.


Ang naturang wanted person ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Donna B. Pascual, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC), Branch 81, Fourth Judicial Region, Romblon, Romblon noong Agosto 13, 2019 sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case No. 3613 at walang rekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inarestong suspek ay dadalhin sa Romblon MPS, Romblon, Romblon para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.