• Tony Miñano Macalisang

Top 3 MWP ng San Agustin, Romblon timbog sa kapulisan


SAN AGUSTIN, Romblon – Arestado ang isang lalaki na may kasong rape sa Barangay Calumpang East, San Luis, Batangas kamakailan.


Hinuli ang suspek na si Lucas Dela Cruz Manrique, 28 taong gulang, helper, at residente ng Barangay Bachawan, San Agustin, Romblon at itinuring na ika-tatlo sa Most Wanted Person ng San Agustin, Romblon, ng pinagsanib na operatiba ng PIU/PDEU, San Agustin Municipal Police Station at San Luis Municipal Police Station.


Si Manrique ay dinakip sa bisa ng Warant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge of RTC Branch 81, Romblon, Romblon na may petsa na Hunyo 23, 2020 sa kasong “Rape” sa ilalim ng Criminal Case No. FC-43-K-19 at walang rekomendang piyansa para sa kyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong suspek ay nasa kustodiya ng San Luis MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.