• Tony Miñano Macalisang

Top 3 na Most Wanted Person sa Probinsya Tiklo sa Cajidiocan, Romblon


CAJIDIOCAN, Romblon – Nahuli ang pang-tatlong Most Wanted Person sa lalawigan ng Romblon nitong 7:10 ng umaga ng Pebrero 1, 2021 sa Barangay Lumbang West, Cajidiocan, Romblon.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Lino Magallon Ramilo, 20, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Lumbang West, Cajidiocan, Romblon.


Si Ramilo ay inaresto ng pinagsanib na operatiba ng PIU, Cajidiocan Municipal Police Station sa pangunguna ni PEMS Lemuel R. Rafol at RIU 4B sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Donna B. Pascual, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon noong Enero 10, 2021 sa kasong Rape (Art. 266-A, Par. 1 (d) in relation to RA 7610 (Statutory Rape of RPC) sa ilalim ng Criminal Case # FC-84-K-20 at walang rekomendang piyansa ang korte.


Ang inarestong lalaki ang kasalukuyang nasa kustodiya ng Cajidiocan MPS para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miṅano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.