• Tony Miñano Macalisang

Top 6 Most Wanted Person ng Santa Fe, Romblon timbog sa pulisya


SANTA FE, Romblon – Inaresto ng pulisya ang isang lalaki na may warrant of arrest kaninang 10:45 ng umaga, Oktubre 21, 2020 sa Barangay, Guinbirayan, Santa Fe, Romblon.


Kinilala ang hinuling lalaki na si Emmanuel Gallos Gajarion, 30 gulang, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Guinbirayan, Santa Fe, Romblon.


Ayon sa ulat ng pulisya, dinakip ng pinagsanib na puwersa ng PIU Romblon PPO at ng Santa Fe Municipal Police Station (SFMPS) ang nasabing ika-6 na most wanted person sa bayan ng Santa Fe sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Cirile Maduro Foja ng MCTC Fourth Judicial Region, Looc, Romblon sa kasong paglabag sa PD 1866 as amended by RA 8294 sa ilalim ng Criminal Case Number SF-1320 at may rekomendang piyansa na Sixty Thousand Pesos (P60,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong lalaki ay inilagay sa kustodiya ng Santa Fe MPS para sa kaukulang disposisyon. (AMM/Romblon Sun)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.