TREE PLANTING ISINAGAWA NG BANTON MPS


BANTON, Romblon – Sama-samang nagsagawa ng programang Tree Planting ang kapulisan ng Banton Municipal Police Station (BMPS) na nagsimula 8:30 ng umaga ng Hulyo 24, 2020 sa Sitio Mas-ing, Barangay, Nasunogan, Banton, Romblon.


Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 Police Community Relations Month at National Disaster Resilience Month (NDRM) 2020 na pinangunahan ni PLT Edward B. Leaño kasama ang kanyang mga tauhan, katuwang ang mga barangay opisyal ng Barangay Nasunogan at Municipal Agricultural Officer kung saan ay inspirado ang lahat sa kanilang ginawang pagtatanim ng iba’t-ibang klase ng kahoy sa nasabing lugar.

Kabilang sa kanilang mga itinanim ay dalawampung (20) seedlings ng Bangkal Tree na kanilang ipinuwesto malapit sa bahagi ng may tubig upang sa gayon ay mapaniti ang masaganang tubig sa naturang lugar na siyang pinagkukunan ng mga residente ng Barangay Nasunogan, Banton, Romblon. (Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.