• Tony Miñano Macalisang

Tree Planting isinagawa sa bayan ng Looc


LOOC, Romblon – Pinangunahan ng munisipyo ng Looc ang pagsagawa ng aktibidad na Tree Planting bilang pagunita ng National Disaster Resilience Month sa Barangay Balatucan, Looc, Romblon.




Ang nasabing aktibidad ay masiglang nilahukan ng Looc SK Federation, Looc BLGU, Looc Municipal Police Station, Looc BFP at Talabukon Cyclists na sama-samang nagtanim ng mga punong kahoy sa bakanteng lupa na pag-aari ni Alfred Bancoro.




Pinasalamatan naman ng Looc LGU sa pamumuno ni Mayor Lisette Arboleda si Kagawad Rey “Bords” Dalisay na nagbigay ng mga itinanim na mga seedlings ng punong kahoy .





Pagkatapos ng nasabing programa ay maaninag sa mukha ang kasiyahan ng bawat isa kung saan sa bawat punong kahoy na kanilang itinanim ay malaki ang maitutulong nito sa sanlibutan sa pagpapanatili ng malinis na hangin at balanseng kapaligiran. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.