• Romblon Sun

Truck driver arestado pagkaraan ng 23 taon dahil sa kasong Homicide


MAGDIWANG, Romblon – Dinakip ng pulisya ang isang truck driver na may warrant of arrest makaraan ang 23 taon, nitong 11:30 ng gabi kahapon, Pebrero 9, 2021 sa kalye ng G. Tuazon Street, Corner Cebu Street, Sampaloc, Manila.


Ang suspek ay nakilala na si Joseph Balgoma Ribon, 42, may-asawa, truck driver, residente ng barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon at kasalukuyang nakatira sa No. 244 P. Montoya Street, Silang Cavite City.


Ang nasabing suspek ay hinuli ng pinagsanib na operatiba ng Magdiwang Municipal Police Station (MMPS) at MPD PS-4 sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Reynaldo M. Panopio, MCTC Branch, Cajidiocan – Magdiwang – San Fernando noong Enero 23, 1998 sa kasong Homicide sa ilalim ng Criminal Case Number 4414 at may rekomendang piyansa ang Korte na halagang Forty Thousand Pesos (P40,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing inarestong suspek ay nasa kustodiya ng PS-4 Sampaloc Police Station at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online)



Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.