TULOY-TULOY NA LINGGUHANG AYUDA PARA SA MGA MAMAMAYAN NG CONCEPCION MULA SA KAPULISAN


CONCEPCION, Romblon - Patuloy pa rin ang isinasagawang pagbibigay ng ayuda ng kapulisan ng Concepcion Municipal Police Station (CMPS) sa pangunguna ni PLT HARBY M FRANCISCO, OIC sa napipiling pamilya sa siyam na barangay ng Concepcion.

Ang probinsiya ng Romblon ay nasa ilalim na ngayon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). Bagama’t maaari ng magtrabaho ang ilang sektor, ang kapulisan ng Concepcion ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong alinsunod sa direktiba ng CPNP ng programang Adopt a Family Kapwa Ko, Sagot Ko bilang pagtugon sa krisis na COVID 19 pandemya na kinakaharap ng bansang PIlipinas at ng buong mundo.

Dahil dito, noong Hulyo 21, 2020 sa pangunguna ni PMSG Emerson D Manalo, Finance PNCO ay personal na iniabot sa pamilyang Retubes ng barangay Sampong ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya. Ito ay ang bigas at iba’t ibang klase ng groceries na sasapat sa isang buong linggo.

Ang gawaing ito ng mga kapulisan ay upang makatulong sa mapipiling pamilya na matugunan ang pangangailangan sa pangkalusugan at pinansiyal na aspeto sa loob ng isang linggo at upang maibsan ang epektong dulot ng pandemya ng COVID 19.

Ang pagtulong sa mamamayan ng Concepcion ng mga kapulisan ay walang kapaguran at panghihinayang bagkus ay katuwaan at taos sa puso ang higit na nararamdaman.

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.