• Tony Miñano Macalisang

Wanted na Barangay Tanod nasakote ng pulisya sa isla ng Simara


CORCUERA, Romblon – Hindi na nakapalag ang isang Barangay Tanod na may warrant of arrest noong ito ay arestuhin ng pinagsanib na mga tauhan ng PIU-Romblon PPO, Corcuera Municipal Police Station (CMPS) at Calapan CPS kahapon ng 3:30 ng hapon, Setyembre 17, 2020 sa kanyang tirahan sa Barangay Colong-colong, Corcuera, Romblon.


Kinilala ng Corcuera MPS ang hinuli na si Winnie Fetalco Manongsong, 43 taong gulang, may-asawa, Barangay Tanod at residente ng Barangay Colong-colong, Corcuera, Romblon.


Inaresto si Manongsong sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Cefeline R. Goco, Acting Presiding Judge, of Family Court Branch 11, Calapan City na may petsa na Pebrero 13, 2019 sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. CR-19-14542 at walang rekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing hinuling Barangay Tanod ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Corcuera MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang dsiposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.