• Tony Miñano Macalisang

Wanted na binata dinakma ng kapulisan sa San Agustin, Romblon


SAN AGUSTIN, Romblon – Isang binata na may mandamyento de aresto ang dinakip ng pulisya kahapon ng 3:45 ng hapon ng Setyembre 14, 2020 sa Sitio Lug-as, Barangay Hinugusan, San Agustin, Romblon.


Hinuli ng pinagsanib na mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station (SAMPS), CIDG-Romblon at PIU Romblon PPO si Vaun Orencio Morada, 20 taong gulang, binata, estudyante at residente ng Sitio Lug-as, Barangay Hinugusan, San Agustin, Romblon sa kanya mismong tirahan.


Si Morada ay hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna Lee S. Dunuan-Godway, Acting Presiding Judge of 5th Municipal Circuit Trial Court, Odiongan, Romblon na may petsang Setyembre 10, 2020 sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Criminal Case No. OD-7385 at may rekomendang piyansa na halagang Thirty-Six Thousand Pesos (P36,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Agustin MPS at ihaharap sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/ Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.