• Tony Miñano Macalisang

Wanted na construction worker dinakip sa Odiongan, Romblon


ODIONGAN, Romblon – Isang wanted na binatang construction worker ang hinuli nitong hapon ng Pebrero 3, 2021 sa Barangay Tulay, Odiongan, Romblon.


Ang inaresto ay nakilalang si Allan Ocampo Rocero, 24, binata, construction worker at residente ng Barangay Dona Juana, San Agustin, Romblon.


Si Rocero ay dinakip sa kasong Serious Physical Injury with Permanent Deformity sa ilalim ng Criminal case No. FC-105-A-21 at may rekomendang piyansa na halagang Thirty Thousand Pesos (P30,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa ng pinagsanib na operatiba ng San Agustin Municipal Police Station na pinamunuan ni PSMS Rhonyl Diamante sa ilalim ng superbisyon ni PLT Eric Herald R. Faigao – OIC ng SAMPS at Odiongan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu Honorable Judge Donna B. Pascual, Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon na may petsa na Pebrero 1, 2021.


Ang naturang dinakip na lalaki ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Agustin MPS at ihaharap sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Romblon Sun Online).

ADVERTISE WITH US!.png