• Tony Miñano Macalisang

Wanted na lalaking Senior Citizen sa Cajidiocan inaresto ng Kapulisan


CAJIDIOCAN, Romblon – Kulong ang isang lalaking senior citizen na may mandamyento de aresto matapos damputin ng pulisya kahapon ng 1:30 ng hapon, Setyembre 10, 2020 sa Barangay Marigondon, Cajidiocan, Romblon.


Ang suspek ay nakilala na si Edilberto G. Rey, 65 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Maringondon, Cajidiocan, Romblon.


Ang nasabing lalaking suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 19, Romblon, Romblon noong Setyembre 8, 2020 dahil sa kaso na “Acts of Lasciviousness in relation to R. A. 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. FC-67-1-20 at may rekomendang piyansa na halagang P108,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang paghuli sa suspek ay isinagawa ng pinagsanib na operasyon ng mga tauhan ng PIU na pinamunuan ni PLTCOL Allan R. Ruba at ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station (CMPS) na pinangunahan ni PLT Erwin Jake R. Nolasco, DCOP, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLT Mary Jade M. Gaca, OIC.


Ang nahuling suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cajidiocan MPS at ihaharap sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.