• Tony Miñano Macalisang

Wanted na magsasaka sa bayan ng San Fernando (Romblon) inaresto


SAN FERNANDO, Romblon - Isang magsasaka na pinaghahanap ng batas ang dinakip ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station (SFMPS) noong 11:30 ng umaga ng Agosto 17, 2020 sa Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.


Kinilala ang pangalan ng lalaki na si Mario Riano Robiso, 43 taong gulang, may-asawa, magsasaka at nakatira sa Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon.


Ang nasabing lalaki ay hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Maria Paz A, , Besonaya, 4th Municipal Circuit Trial Court, Cajidiocan, Romblon at may petsang Hulyo 27, 2020 sa kasong Serious Physical Injuries with Permanent Deformity sa ilalim ng Criminal Case Number 5560 at may rekomendang piyansa na halagang Six Thousand Pesos (P6,000.00).


Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Fernando MPS ang naturang wanted na lalaki para sa dokumentasyon at ihaharap ito sa nakasasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.