• Tony Miñano Macalisang

WANTED NA RETIRED US NAVY INARESTO SA BAYAN NG SAN FERNANDO, ROMBLON


SAN FERNANDO, Romblon – Hinuli ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station ang isang Wanted na retiradong US Navy sa kanyang tahanan noong 1:00 ng hapon ng Agosto 10, 2020 sa Barangay España, San Fernando, Romblon.


Kinilala ang suspek na si Constancio G. Ramilo, 70 taong gulang may-asawa, dual citizen (US & Filipino), retiradong US Navy at nakatira sa Barangay España, San Fernando, Romblon.


Inaresto si Ramilo sa bisa ng Warant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Ma. Paz A. Besonaya ng 4th MCTC, Cajidiocan, Romblon noong  Hulyo 27, 2020  dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. 5556 at may rekomendang piyansa na halagang Ten Thousang Pesos (10,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang nasabing wanted person ay nasa ilalim ngayon ng kustodiya ng San Fernando MPS at ihaharap sa nakakasakop na Korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Miñano Macalisang / Romblon Sun Online)  

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.