• Tony Miñano Macalisang

Wanted sa Romblon nahuli sa siyudad ng Cavite


ROMBLON, Romblon – Lalaking may mandamento de aresto nahuli dakong 11:00 ng umaga kahapon, Setyembre 30, 2020 sa 81 J.P. Laurel Street, Aniban 1, Bacoor, Cavite City.


Kinilala ang nahuling wanted na si Pepito Mingo Musca, 76 taong gulang, may-asawa, laborer at residente ng nasabing lugar.


Si Musca ang dinakip ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station (RMPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Donna B. Pascual, Presiding Judge, Family Court Branch 19, Romblon, Romblon na may petsa na Agosto 5, 2020 sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case Number FC-61-H-20 at may rekomendang piyansa na halagang One Hundred Eight Thousand (P108,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang inaresto na wanted person ang kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng mga tauhan ng Romblon MPS habang nasa biyahe papunta sa bayan ng Romblon, Romblon at makunan ng dokumentasyon at ihaharap sa nakakasakop na korte para sa kaukulang disposisyon. (Tony Macalisang/Romblon Sun Online)

Subscribe to Our Newsletter

© 2020 Romblon Sun Online. All rights reserved.